Monday, February 5, 2007

shopping spree

Sweldo na naman... Yehey, tamang-tama!! May sale sa SM North Edsa from Feb. 2 until Feb. 4. As usual, sira ang budget. Ang tagal ko na ring hindi nakakabili ng gamit. kaya diretso agad ako sa ground floor para bumili ng gamit sa bahay. I bought 2 sets of curtains for P100 each, 4 spoons for P100 (the cutest spoons ever!), 4 forks for P100 (the perfect match for the cutest spoons!), 2 pillowcases for P165 and 2 bath towels, on sale for P100 each. Nice!!!

Then I started looking for a nice pair of pumps (actually kahit ano, basta pwede sa jeans at ok din sa office attire) but failed to find one. I'm not a trendsetter, I'm into those styles that are quite hip, I'm more on the safe side of fashion, something that I can wear any time of the year kasi classic. Pero wala masyadong ganon na binebenta ng mura. Kahit sa mga jeans wala ng hindi faded or sandblasted ang color. Musta naman? Pano kung gusto ko yung pants ko mukhang bago at hindi yung mukhang nilabhan na ng ilang beses. kainis!!! Grrr! I ended up buying 1 blouse from Forever 21 which was on sale at P180 (price was: P450, o di ba bongga?)

I bought a wallet at EGG (exciting gifts + goodies), my favorite store to date, for P200 to match my bag (a Xmas gift from papush, from EGG, too). Happiness!! I bought shampoo, soap, deodorants, lotions and toothbrushes. I also went to National Bookstore to buy materials for my training the next day (Saturday).

Tapos, heto na... Lumabas na ang pagkaimpulsive buyer ko... I bought 5 VCDs for P75 each. The titles are: The original Cinderella (Disney), Beauty and The Beast (Disney), Maging Sino Ka Man (Sharonian ako eh. Lam niyo ba?), Bituing Walang Ningning (You're nothing but a second-rate trying hard copycat!) and The Three Musketeers. Wooh.

Tapos umuwi na ako, only to realise, that I forgot to have lunch. nagalit tuloy si bubi.. :( pero he was happy to see na ang ganda ng mga binili ko...hehehe

Thursday, February 1, 2007

Great day,Thursday...

Thursday -- this is such a great day!! Reasons?

1. last day for this week, it's my RD tom and on Friday. (woohoo!!!)
2. Marck, a.k.a. baby gurl gave me a sooooo belated xmas 2006 gift --- a brand new hardbound Harry Potter and the Chamber of Secrets book!!!! (yey!!)
3. queue empty today (after the great flood of emails yesterday) is synonymous to BLOG moment..and YAHOO moment..and GOOGLE moment..Hahaha..
4. I had McDonald's Crispy chicken for lunch (YUM!!)
5. My locker is finally open. (goodbye pretty strong lock, sniff**)
6. more sleeping hours... (double woohoo!!!)
7. SOCO night [scene of the crime operatives] (shout out to Mr. Gus Abelgas)
8. rest day tomorrow
9. rest day tomorrow
10.rest day tomorrow!
11.rest day tomorrow!!
12.rest day tomorrow!!!
13-100. did i say rest day tomorrow??!! :)

Disney-crazy!!!

I feel like a kid these days. Every evening, I tune in to Disney channel and watch their specials. Didn't I mention last time that I watch the television premiere of the Cheetah Girls 2 last Saturday? I also watched Hannah Montana. For two straight nights, I've been watching the Suite Life of Zack and Cody. Last night, I watched Heidi with my boyfriend. Love the story!!!

The two of my favorite songs these days are from the OST of Hannah Montana. Positive outlook in life -- that's what these songs are all about. Just want to share to all of you guys -- stay positive, though it's not bad to cry or whine every now and then but always remember to look on the brighter side of things after a session of tears and shouts. Alrighty???!

**This Is The Life**

Take the world
Shake and stir
And that's what I got goin' on
I throw my cares up in the air
And I don't think they're comin' down
Yeah, I love how it feels right now

This is the life! Hold on tight!
And this is the dream
It's all I need!
You never know where you'll find it
And I'm gonna take my time, yeah
I'm still getting it right
This is the Life

Takin' in a whole new scene
And I'm swimming with a new crowd (crowd)
Breakin' down the old four walls
And building them up from the ground
I love how it feels right now

This is the life! (life!)
Hold on tight! (hold on, hold on!)
And this is the dream! (dream!)
It's all I need! (hold on!)
You never know where you'll find it
And I'm gonna take my time yeah.
And I'm still getting it right
This is the life

Gonna follow my own lead, yeah!
Kick back and feel the breeze!
Nothing but the blue sky!
As far as I can see!

This is the life
Hold on tight!
And this is the dream!
It's all I need!
You never know where you'll find it
And I'm gonna take my time, yeah
I'm still getting it right

This is the life! (life! Yeah!)
Hold on tight! (hold on, hold on!)
And this is the dream! (dream!)
It's all I need! (hold on!)
You never know where you'll find it
And I'm gonna take my time yeah
I'm still getting it right
This is the Life

**Best Of Both Worlds**

Oh yeah
Come on

You get the limo out front
Hottest styles, every shoe, every color

Yeah, when you're famous it can be kinda fun
It's really you but no one ever discovers

In some ways you're just like all your friends
But on stage you're a star

You get the best of both worlds
Chill it out, take it slow
Then you rock out the show

You get the best of both worlds
Mix it all together (oh, yeah) and you know that it's the best of both worlds

The best of both worlds

You go to movie premiers (is that Orlando Bloom?)
Hear your songs on the radio
Livin' two lives is a little weird
But school's cool cuz nobody knows

Yeah you get to be a small town girl
But big time when you play your guitar

You get the best of both worlds
Chillin' out take it slow
Then you rock out the show

You get the best of both worlds
Mix it all together and you know that it's the best of both
You know the best of both worlds

Pictures and autographs
You get your face in all the magazines
The best parts that you get to be who ever you wanna be

Yeah best of both
You get the best of both
Come on best of both

Who would of thought that a girl like me
Would double as a superstar

You get the best of both worlds
Chillin' out, take it slow
Then you rock out the show

You get the best of both worlds
Mix it all together and you know that it's the best of both worlds

You get the best of both worlds
Without the shades and the hair
You can go anywhere

You get the best of both worlds
Mix it all together
Oh yeah
It's so much better cuz you know you've got the best of both worlds

Monday, January 29, 2007

BEWARE: JOYSELLE EXPRESS, INC CONDUCTOR

Takot pa rin ako hanggang ngayon... Sorry hindi ko nakwento kahapon kasi sobrang hindi ko pa talaga kaya. Baka magbreakdown ako dito sa production floor, nakakahiya. Tama na'ng mga teammates/friends ko ang nakakita na wala ako sa sarili ko pagdating ko ng office kahapon ng umaga. Akala nga nila na-rape ako o naholdap.

May nakaaway kasi akong kundoktor kahapon. Tawagin na lang natin siyang Mamang Ma'am. Hehehe. Basta ang mapapayo ko lang, magbayad na lang kayo ng sakto sa bus lalo na pag nakita ninyo itong kundoktor na ito sa Joyselle Express na mamang mukhang tibo ( actually feeling ko tibo talaga siya pero later na details...)

Sumakay ako ng Joyselle Express papunta sa office. Nagbayad ako ng P100,sabi ni Mamang Ma'am (MM) mamaya na daw ang sukli ko kasi puro P100 ang binayad ng karamihan. Eh nakita ko naman na totoo kaya ok lang. Binigyan ako ng tiket tapos tinago ko na sa bulsa ng bag ko. Hayun, Sunday ride -- ang daming tao. May nakaaway pa si MM na mama tapos minura siya dahil sa sukli, hindi na lang kumibo yung iba kasi hindi naman nila alam ang puno't dulo kaya dedma na lang kami. kaya enjoy lang ulit ng diretsong biyahe. . . . . pagdating sa Boni, tinanong ko si MM tungkol doon sa sukli ko..

MM: San ka sumakay?
me: Sa philcoa po.
MM: San ka bababa?
me: Sa Pasong Tamo po.
MM: mamaya na malayo ka pa naman.

So heto naman ako thinking na last akong bibigyan kasi akong yung pinakamalayo pang bababaan sa mga nagbayad ng P100.

Pagdating sa Ayala cor. Edsa, nakotongan sila ng mga pulis-Makati, sa tagal ko ng sumamsakay ng bus papunta ng office, eh never pang hinuli ang sinasakyan kong bus pag doon nagbababa ng pasahero dun e, Saka HELLO!!! Sunday at 5.40a.m.(JANUARY 28, 2007, LINGGO, 5.40AM), walang heavy traffic. naawa ako kay MM kaya bilang malasakit kinuha ko ang body at plate number ng mobile, oras ng pagkakahuli at saan. (nag-email na ako kay mayor!) Para hindi maulit, di ba?

Paglagpas ng Paseo de Roxas, saka palang ako nagkaroon ng chance na lumapit kay MM at ito na ang simula ng matinding bangungot ko...

me: ung sukli po sa P100?
MM: akin na ang tiket (binigay ko..)
tapos tinititigan lang niya tiket ko. eh naiinis na ako kasi malapit na ang babaan ko ano?!

At alam niyong ginawa nya?! tinupi niya ang tiket sabay sabing...

MM: hindi kita susuklian kasi walang marka ang tiket mo. Minamarkahan ko ang tiket na susuklian ko. Sa 'yo wala kaya hindi kita susuklian!! (sabay ipit ng tiket sa isa sa mga upuan!)

me: malay ko ho ba kung may marka yan o dapat nyong markahan? hindi ko naman trabaho yan para tingnan ko. (malapit na kong maiyak, shaky na ang voice ko)

MM: basta hindi kita susuklian. ako pa ang lolokohin mo.

since ang alam ko nga (at least ang tingin ko sa kanya eh,) tibo siya, tawag ko na sa kanya ma'am...

me: Ma'am P100 ang pera ko, P75 pa ho sukli ko tapos hindi niyo ibibigay sa akin. Hindi ho manloloko, edukado ho akong tao. Hindi ho ako manloloko.

MM: eh wala ngang marka yung tiket. Ako pa ang lolokohin mo. At walang Ma'am dito!!

me: Ma'am bababa na ako, dito na po ako bababa, ibigay ninyo na ang sukli ko.

MM: tingnan mo kung kelan ka na bababa saka mo hihingin tong sukli mo. Ayos ka rin 'no. Sinabi ng hindi ako ma'am. Gago!!

me: bakit ninyo ako minumura? hindi ninyo ko pinapakain.

sabay eksena na ang driver...

D: sige na ibigay mo na.

MM: kawawa naman tayo... (siyempre galit siya)
MM: o ayan, abuloy ko sa yo. Style mo bulok. Manloloko ka! (pababa na ako at hindi na ako makahinga sa sama ng loob)

**actually hanggang ngayon natatakot pa rin ako kahit kinukwento ko na lang. Grabe. naghintay talaga ako kanina ng MALTC na bus, hindi pa ako handang sumakay ulit doon. Nang kinuwento ko kay Ceasar, galit na galit talaga siya, pupuntahan na niya talaga yung opisina pero hanggang ngayon, wine-weigh ko pa kung anong tamang gawin at kung bakit mo pa gagawin ang isang bagay. Gusto sana nina Tetay, defamation, pero worth it pa ba yun? Ano ba ang maa-achieve ng paghahabol ko? Apology? Masisante si Mamang Ma'am? Ano ba? Iniisip ko pa, actually, tinitimbang ko pa kung anong mas mahalaga... ang pagkakapahiya ko sa harap ng mga tao o ang katotohanan na hindi ako manloloko? o ang katahimikan ng loob ko tuwing sasakay ako ng bus nila? o ang ipakita sa kanya na mali ang ginawa niya? Basta iniisip ko pa yun.

Kaya kayo, magbayad ng sakto lalo na sa umaga (hangga't kaya) tapos pag susuklian pa kayo lalo na't malaki ang bill, i-check niyo kung may marka at kung wala, itanong ninyo agad sa kundoktor kung paano nila matatandaan kung magkano isusukli nila. OK!!

Ciao.

big brunch with the girls!!

I was craving for pancakes with maple syrup. Ewan ko ba! Parang nakaamoy lang ako dito sa production floor.

Tetay, Tin and I had brunch at Jollibee Export Bank Plaza nang mag-queue empty na. I first had pancakes and hot chocolate. But when I saw Tin having spaghetti and macaroni soup (with pie!) tapos si Tetay having the Big Breakfast, dunno the real name for that. Inggit ako!!! Kaya after my dessert, order agad ng Crispy chicken burger with fries. But if you're fond of McChicken (the Sandwich), you'll stick to that kahit matikman mo yung Jollibee Crispy Chicken burger. I don't know -- may nutty taste eh (yoko talaga ng mani!), hindi masarap yung dressing (doesn't complement the patty) tapos ang veggies, hindi maayos ang pagkakalagay. Sana yung picture na lang yung totoo. Hehehe. Pero filling na rin. Heto busog pa ako... Parang hanggang dinner na yata'to (parang baka?!!)