Saturday, February 21, 2009

Buti na lang

Para sa 'yo...Kung nagbabasa ka man
Buti na lang, aklat lang ang nakuha ko,
Na binigay mo sa akin nung tingin mo mahal mo pa ako.
Buti na lang, hindi mo nabili yung mamahaling bagay na yun,
baka hindi lang insulto ang nakuha ko sa yo.

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig,
inisip mo na tinatangi kita?
Sana'y nagbibiro ka lang nun,
dahil sa umpisa pa lang, sinabi ko na.

Ikaw ay hindi ko maaaring mahalin,
Nang higit pa sa kapatid na turing.
Pasensiya na kung ikaw ay nalito,
iningatan ko lang na huwag masaktan ang puso mo.

Sa bandang huli, nawala ring saysay
ang pag-iingat sa kaibigan
Ang pagmamahal na alay
para sa yo'y kulang, sa aki'y kalabisan.
BOW!