Minsan nakaka-disappoint manood ng mga contestants na “mahirap”. Ginagawa nila kasing dahilan ang kanilang “kahirapan” para sila ang manalo sa isang laro.
Oo, andun na ako, kaya nga sumali yung tao sa isang contest para manalo kasi hindi nila kayang kitain yun. Pero kelan naman nagkaroon ng walang karapatan ang mga “may-kaya” sa buhay na manalo dahil mas nakakaangat sila?
Napansin ko kasing madalas na mangyari sa ‘ting mga Pilipino. Siguro, ngayon lang talaga ako naiirita. Hindi ko pinapaboran ang mga mayayaman ha?! Sa katunayan,
- naniniwala ako na dapat lahat ng tao ay nakakain ng masarap tatlong beses sa isang araw
- dapat lahat ay nakakapag-aral
- dapat lahat ay may trabaho na may sahod na sapat sa kaniyang pamilya
- dapat lahat ay may tirahan na maayos at ligtas
- dapat lahat ay may kakayahang magpatingin at magpagamot
Pero hindi ko maiwasang mainis bilang isang tagapamasid.
Nanonood ako minsan ng Wowowee, sa segment nila na “Hep Hep Hooray”. Dalawang contestant na lang natitira at kelangan nang malaman kung sino ang tutuloy sa Jackpot portion kung saan may chance na manalo ng hanggang Php80,000. Ang isa ay isang Russian na babae na nagbabakasyon lang dito sa Pilipinas at ang isa naman ay middle aged na babae na halata mong kapos sa buhay. Siyempre, gusto kong manalo yung matanda kaso nawalan ako nang gana ng bigla niyang kausapin yung babaeng Russian.
“Let me win. You’re rich.” Pabalbal na sabi ng matanda sa Russian.
Na sinagot naman nang maayos ng Russian, “No. This is a game. You play fair and square.”
Nagulat talaga ako. Nahiya ako para sa matanda. Hindi naman nakakahiya na ipaalam mo sa lahat na kelangan mo ng pera. Lahat naman tayo kelangan nun eh. Pero isang laro ang sinalihan mo – masayang laro, hindi charitable institution.
Ganoon din ang nangyari sa PBB Teen Edition. Maraming housemates at guardians ang gustong tanggalin si Robi Domingo dahil mayaman na daw siya at hindi na raw niya kelangan ng pera. Atenista si Robi. Class Valedictorian pa ng graduating class niya. Pero ang dahilan niya kaya siya sumali sa PBB nun ay gusto raw niyang magkaroon ng sariling pera.
Pero nangibabaw sa mga tao na mas deserving manalo si EJ kasi mahirap lang siya kahit hindi naman talaga siya napansin sa PBB. Marami akong kakilalang nag-isip na si Robi talaga ang nanalo at minanipula na lang ang mga boto para mas matuwa ang mga tao pag mahirap ang nanalo. >=(
Akala ko ganon din ang mangyayari sa unang tribal council ng Survivor Philippines. Natalo ang NAAK tribe sa kauna-unahang immunity challenge. Habang papalapit ang tribal council, kanya-kanya nang pagbuo ng alyansa ang mga kapwa castaways. Hindi ko na gusto si Emerson (sewing machine technician), nakikitaan ko na siya ng pagiging traydor. Bumuo agad siya ng lihim na alyansa with Chev (former GRO, present ukay-ukay owner), kasama ang iba pang Bisaya at ng kasunduang si JC (basketball player ng San Sebastian) ang iboboto dahil mayaman naman daw ito. Tinanong pa ni Chev si JC kung anong gagawin niya pag nanalo ang lalaki eh may kaya naman daw siya at hindi kawalan sa kanya kung maalis man siya sa isla.
Sa huli, si Chev ang first castaway to be voted off the island. Ang dahilan ng mga teammates niya: hindi siya marunong makipag-cooperate sa team during the immunity challenge.
Haaay, ano ba? Laro itong sinalihan ninyo? Kung gusto ng mga producers na mahirap na tao lang ang dapat manalo, eh di sana ni-require talaga nila na mahirap lang ang sumali. Hindi katwiran na porke’t mayaman ang tao eh wala na siyang karapatan na magwagi sa isang paligsahan. Katulad ng baluktot na katwiran na porke’t mahirap ka eh wala ka nang pag-asang magtagumpay sa buhay.
Uulitin ko, hindi ako pumapanig sa mga mayayaman. Ang sa akin lang eh sana pag sumali tayo sa mga paligsahan, huwag nating gawing batayan ang estado ng buhay ng isang tao kung karapat-dapat ba siyang manalo. Lahat ng paligsahan ay may hinihingi o hinahanap na katangian sa bawat kalahok at yun dapat ang manatiling batayan ng mga ito.

No comments:
Post a Comment