Monday, June 9, 2008

kompo: CLOSET



bilanggo sa katotohanan,

kahit saang anggulo tignan

hindi maibahagi, hindi maisiwalat

(pag-ibig ko sa yong tapat/tapang ko ay hindi sapat)



kaligayahan ko'y aking kasiraan

unti-unting nalulunod, tila di makahinga

nakakulong sa sarili kong mundo

lumuluhang mag-isa



di alam kung may makakaunawa

dalangin ko'y inog ng mundo'y mag-iba

bigyan ako ng pag-asa

Makamtan ang kaligayahan

ninanais, inaasam



mahagkan ang yong labi

maangkin ang iyong puso

mahawakan ang iyong kamay

makita ka, makasama ka



ngunit kay lupit ng mundo

kahit saglit na mahalaga

tila ako'y mabibigo

na makuha

No comments: