Monday, January 29, 2007

BEWARE: JOYSELLE EXPRESS, INC CONDUCTOR

Takot pa rin ako hanggang ngayon... Sorry hindi ko nakwento kahapon kasi sobrang hindi ko pa talaga kaya. Baka magbreakdown ako dito sa production floor, nakakahiya. Tama na'ng mga teammates/friends ko ang nakakita na wala ako sa sarili ko pagdating ko ng office kahapon ng umaga. Akala nga nila na-rape ako o naholdap.

May nakaaway kasi akong kundoktor kahapon. Tawagin na lang natin siyang Mamang Ma'am. Hehehe. Basta ang mapapayo ko lang, magbayad na lang kayo ng sakto sa bus lalo na pag nakita ninyo itong kundoktor na ito sa Joyselle Express na mamang mukhang tibo ( actually feeling ko tibo talaga siya pero later na details...)

Sumakay ako ng Joyselle Express papunta sa office. Nagbayad ako ng P100,sabi ni Mamang Ma'am (MM) mamaya na daw ang sukli ko kasi puro P100 ang binayad ng karamihan. Eh nakita ko naman na totoo kaya ok lang. Binigyan ako ng tiket tapos tinago ko na sa bulsa ng bag ko. Hayun, Sunday ride -- ang daming tao. May nakaaway pa si MM na mama tapos minura siya dahil sa sukli, hindi na lang kumibo yung iba kasi hindi naman nila alam ang puno't dulo kaya dedma na lang kami. kaya enjoy lang ulit ng diretsong biyahe. . . . . pagdating sa Boni, tinanong ko si MM tungkol doon sa sukli ko..

MM: San ka sumakay?
me: Sa philcoa po.
MM: San ka bababa?
me: Sa Pasong Tamo po.
MM: mamaya na malayo ka pa naman.

So heto naman ako thinking na last akong bibigyan kasi akong yung pinakamalayo pang bababaan sa mga nagbayad ng P100.

Pagdating sa Ayala cor. Edsa, nakotongan sila ng mga pulis-Makati, sa tagal ko ng sumamsakay ng bus papunta ng office, eh never pang hinuli ang sinasakyan kong bus pag doon nagbababa ng pasahero dun e, Saka HELLO!!! Sunday at 5.40a.m.(JANUARY 28, 2007, LINGGO, 5.40AM), walang heavy traffic. naawa ako kay MM kaya bilang malasakit kinuha ko ang body at plate number ng mobile, oras ng pagkakahuli at saan. (nag-email na ako kay mayor!) Para hindi maulit, di ba?

Paglagpas ng Paseo de Roxas, saka palang ako nagkaroon ng chance na lumapit kay MM at ito na ang simula ng matinding bangungot ko...

me: ung sukli po sa P100?
MM: akin na ang tiket (binigay ko..)
tapos tinititigan lang niya tiket ko. eh naiinis na ako kasi malapit na ang babaan ko ano?!

At alam niyong ginawa nya?! tinupi niya ang tiket sabay sabing...

MM: hindi kita susuklian kasi walang marka ang tiket mo. Minamarkahan ko ang tiket na susuklian ko. Sa 'yo wala kaya hindi kita susuklian!! (sabay ipit ng tiket sa isa sa mga upuan!)

me: malay ko ho ba kung may marka yan o dapat nyong markahan? hindi ko naman trabaho yan para tingnan ko. (malapit na kong maiyak, shaky na ang voice ko)

MM: basta hindi kita susuklian. ako pa ang lolokohin mo.

since ang alam ko nga (at least ang tingin ko sa kanya eh,) tibo siya, tawag ko na sa kanya ma'am...

me: Ma'am P100 ang pera ko, P75 pa ho sukli ko tapos hindi niyo ibibigay sa akin. Hindi ho manloloko, edukado ho akong tao. Hindi ho ako manloloko.

MM: eh wala ngang marka yung tiket. Ako pa ang lolokohin mo. At walang Ma'am dito!!

me: Ma'am bababa na ako, dito na po ako bababa, ibigay ninyo na ang sukli ko.

MM: tingnan mo kung kelan ka na bababa saka mo hihingin tong sukli mo. Ayos ka rin 'no. Sinabi ng hindi ako ma'am. Gago!!

me: bakit ninyo ako minumura? hindi ninyo ko pinapakain.

sabay eksena na ang driver...

D: sige na ibigay mo na.

MM: kawawa naman tayo... (siyempre galit siya)
MM: o ayan, abuloy ko sa yo. Style mo bulok. Manloloko ka! (pababa na ako at hindi na ako makahinga sa sama ng loob)

**actually hanggang ngayon natatakot pa rin ako kahit kinukwento ko na lang. Grabe. naghintay talaga ako kanina ng MALTC na bus, hindi pa ako handang sumakay ulit doon. Nang kinuwento ko kay Ceasar, galit na galit talaga siya, pupuntahan na niya talaga yung opisina pero hanggang ngayon, wine-weigh ko pa kung anong tamang gawin at kung bakit mo pa gagawin ang isang bagay. Gusto sana nina Tetay, defamation, pero worth it pa ba yun? Ano ba ang maa-achieve ng paghahabol ko? Apology? Masisante si Mamang Ma'am? Ano ba? Iniisip ko pa, actually, tinitimbang ko pa kung anong mas mahalaga... ang pagkakapahiya ko sa harap ng mga tao o ang katotohanan na hindi ako manloloko? o ang katahimikan ng loob ko tuwing sasakay ako ng bus nila? o ang ipakita sa kanya na mali ang ginawa niya? Basta iniisip ko pa yun.

Kaya kayo, magbayad ng sakto lalo na sa umaga (hangga't kaya) tapos pag susuklian pa kayo lalo na't malaki ang bill, i-check niyo kung may marka at kung wala, itanong ninyo agad sa kundoktor kung paano nila matatandaan kung magkano isusukli nila. OK!!

Ciao.

No comments: